Sunday, November 16, 2008

bente minutos ng buhay ko...

shit, naiwan ko phone ko sa office, yan ung una kung nasabi nung nasa jeep na ako.. gusto ko man bumalik, 7 pesos na lang pera ko.. la na ko pamasahe pabalik, kung bakit kasi naiwan ko pa yung wallet sa bahay, pati tuloy atm cards ko.. grr.. kelangan ko pa mag withdraw bago makabalik ng office... ang lakas ng ulan... kinuha ko agad yung wallet sa bahay.. tapos bihis konting ayos, alis agad.. me pasok pa kasi ako sa e connect eh... gusto ko sana mag taxi. kso naisip ko traffic, lugi ako.. kaya naman pala, sa araw na yun, nakatakda akong gumawa ng magandang bagay ,ang lakas ng ulan... nakatayo ak0 sa kanto, nag aabang ng jeep.. napansin ko ang isang matanda, tantya ko nasa 80 yrs old na.. nakabalot sya ng garbage plastic.. proteksyon sa ulan.. me bitbit syang dlawang malaking payong.. me malaking supot sa kanang kamay.. tapos me bayong sa kaliwang kamay.. parang sobrang pagod na...parang hinaplos ng kung ano yung buong katawan ko... tinulungan ko syang sumakay sa jeep.. tapos binayadan ko na din sya... ngumiti sya saken at nagpasalamat.. hindi ko alam, [parang me something sa ngiti nya.. parang kalungkutan na tinatago.. sabi ko sa kanya, lola, dapat pag gantong umuulan me sumusundo sa inyo ng di kayo nababasa, baka mapano kayo at magkasakit pah... kinwentuhan nya ko.. me pamalit daw xang damit.. kaso di na nya sinuot kc nga mababasa din nman din xa... mag isa lang xang nangungupahan sa libertad.. umalis sya sa mga anak nya.. hinihingian pa daw xa kc ng pera.. pag hindi nabigyan, nagagalit pa sa kanya, kahit may mga asawa ng anak niya ayaw sa kanya.. di na daw nagluluto sa inuupahan nya... bumili na lang sya sa labas... naisip ko pano pa kaya sya nagbabayad ng bahay, nakakabili ng pagkain.. eh nagtitinda lang sya ng yosi at kendi sa producer sa edsa, di ko sinadya pumatak yung luha ko, sa tanang buhay ko o habang nabubuhay ako sa mundo, di ko hahayan na danasin ng tatay ko yung nangyayari ngaun ke lola.. konti na nga lang ang panahon nila sa mundo, bakit di pa natin sila bigyan ng halaga.. na kahit matanda na sila, me silbi pa rin sila at me nagmamahal pa din sa kanila.. tatanda din ang tatay ko... pero hindi ko inisip na pababayaan ko xa ng ganun ganun na lang... tatanda din ako.. at ayuko isipin na pagdating ng panahong yun.. mag isa na lang ako.. walang pamilya o walang tutulong sakin sumakay sa jeep habang madaming dala... habang malakas ang ulan... naisip ko tuloy ano kaya ang nararamdaman ng mga anak niya..?? di ba nag aalala sa kanya... pinaghirapan mong isilang sa mundo...tapos kinalimutan ka ng ganun na lang... malapit na pala syang bumaba... tinulungan ko sya... naisip ko.. sna mabawi man lang nya ang benta nya ng araw na yun sa lakas ng ulan... biniggyan ko sya ng isandaan.. ngumiti sya saken.. pag ngiti nya.. tuluyan nang pumatak yung pinipigilan kung luha... habang naglalakad xa palayo at umusad na yung jeep na sinasakyan ko.. naisip ko.. Lord, slamat po sa mga biyaya... kahit pagod na pagod na ko sa buhay ko.. sa dlawang fulltime work ko at 4 na oras lang ako natutulog sa isang araw.. slamat pa din dahil me maganda akong trabaho.. me inuuwiang bahay.. may pinapagawa pang bahay.. at kahit medyo malungkot dahil walang boyfriend, atleast me mga kaibigan.. me pupuntahan pa din ako.. yung iba kelangan pang magpaaraw para kumita ng kakarampot.. katulad ni lola.. matanda na nagtratrabaho pa.. may mga pangyayari na tumatatak sa buhay natin, isang araw lang.. pero pang habang buhay natin dadalhin sa ating alala.. masaya na din ako.. dahil kahit ganto ako.. me natutulungan akong tao.. regardless kung kamag anak o hindi... ganun naman tlga ang buhay di ba.. hindi sukatan kung anong meron ka o ano ka.. ang mahalaga nagkakaron ng silbi ang buhay mo.. at yun ay magpahalaga ng ibang tao.. bente (20) minuto lang ng buhay ko.. pero habang buhay ko dadalhin yung mga natutunan ko at mga bagay na narealize ko...

No comments: