malamig ang umaga,.5am.. sumakay ako sa di kagandahang bus byaheng fairview.. gumigiwang giwang ako habang naglalakad papunta sa bandang dulo pero mahigpit ang hawak ko sa bakal na sandalan para di ako madapa.. pero sa wakas nakaupo din ako..
tumingin ako sa bintana,.. magbubukang liwayway.. nagtatalo ang liwanag sa dilim. humingang malalim... ang buhay parang byahe sa bus... gusto nating umuwi sa ating tahanan para makapagpahinga pagkatapos ng nakapagod na trabaho.. gumigiwang giwang man, nakakaupo pa din.. tumayo man sandali para maghintay ng bakanteng upuan.. masaket sa binti pero sa dulo nkakarating pa din sa patutunguhan minsan, bago ka makarating sa destinasyon nakakaupo ka pa ng maayos..
habang nakaupo sa pinakadulo, pinipilit kong pumikit, gusto kong umidlip pero sumasaket lang ang ulo ko.. minsan kasi pag may gusto ka pinipilit mong mangyari, sa kakapilit mo hindi maganda ang kinalabasan. angbawat pangyayare sa buhay naten ay nakatakda, lahat naka plano.. naisip ko, lahat ng pinagarap ko 10 yrs ago natupad.. di ko lang maapreciate ngaun kase may iba na kong pangarap.. nangingiti ako habang inaalala kong pano ko ipagdasal dati ang magkaron ng matinong tirahan, ng sariling kwarto.. ng mabili ang gustong bilhin... pero baket ngaun, nalulungkot pa din ako.. 2 mos ago, i declared that i found my purpose in life, and that is to make my God smile.. pero baket nagiging selfish pa din ako?.. haayy..
huminto sa cubao ang bus, madaming taong sumakay, iba ibang tao, kanya kanyang porma.. ibat iba ang iniisip, magkakaibang ugali.. nangiti ako ulit, parang buhay tlga, ibat ibang tao ang dumadaan... may sumasakay sa bus..may bumababa at meron din naman na kasabay mong bumaba.
minsan yung driver mabilis magpatakbo, minsan mabagal parang may prusisyon.. pero alin sa dlawa, nkakainis minsan.. pag tumingin ka sa labas ng bintana.. mapapaisip ka.. yung ibang sasakyan, ang gaganda, sila ang nagpapatakbo ng sarili nilang kotse.. minsan natratrapik sila.. naiinis.. buti nga sila, yan lang ang problema nila yung iba,.. walang pambiling kotse or worse walang pamasahe sa bus, buti pa ko may sukli pa..
naiiyak ako nung may mga bumps na nadaanan yung bus sa edsa.. kasi nung una.. konti lang.. tapos biglang sunod sunod nkakapraning buti na lang may hawakan.. tapos nawawala din... minsan nkakatakot... kasi akala mo mababangga na yung bus.. di nman pla...
bumaba ako sa kamias.. sumakay ako ng jeep papuntang delta.. bumaba sa pantranco.. pumasok sa gate... umakyat sa 4th floor ng bldng.. sinusian ng ang pinto. bumukas. si papa nag eexercise.. ang dalawang kapatid ko tulog pa...
ang sarap umuwi.. ang sarap umupo sa sofa..9 hrs straight ang tulog ko. ang sarap umuwi sa bahay.
No comments:
Post a Comment